Abot Kamay Para sa Mga Bata

Posted: August 1, 2011 in Uncategorized

Abot Kamay Para sa Mga Bata:
Isang maulan na paghahatid saya
(30-31 July 2011)

Ang pag hahatid saya o pag bibigay tulong sa iba’t ibang lugar na nangangailangan ng tulong mula sa iba’t ibang taong tumutulong at nag hahatid sa mga lugar, ay di dapat lagyan ng kung anong uri ng bahid ng politika, away at higit sa lahat ang ingit.

Pag ito ay na bahiran ng politika, away o ingit, ang mga taong tinutulungan ang syang natataman at naaapektohan na di naman dapat sila maapektohan, lalo na pag ang mga bata ang naaapektohan.

Noong sabado ika 30 ng hulyo, ang grupo ng Project Pearls at Photokalye ay nag hatid ng mga pagkain at nag linis ng mga sugat para di ito magka infection, ito ay tinawag na Feeding and Wound Day. Kahit bumuhos ang malakas ng ulan, ang mga volunteers ay tumulak patungong Ulingan para mag dala ng Pancit at Puto sa mga bata, at linisin na rin ang kanilang mga sugat. May mga dayuhan din na nagdala ng mga pagkain at tumulong din na mamigay sa mga pakain. Matapos akong kagatin ni resty sa braso at sa pwetan, matapos akong makalmut ng mga bata at hila-hilahin ang akin buhok, Masaya pa rin ako kasi kahit papaano napasaya ko ang mga bata at babalik balikan pa ang Ulingan para mag hatid saya sa mga bata.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Nung linggo ng umaga ika 31 ng Hulyo, kasama ang grupo ng Black Pencil Project kasama ang Tarlac Mountaineering Club, Photography Club of Tarlac, Climb against Cancer, kami ay tumungo sa Sitio Bilad, Barangay Patling, Capas, Tarlac, para mag hatid ng mga gamit pang eskwela gaya ng mga lapis, notepad, notebooks at iba pa. Mula sa kabila ng mga bundok na halos dalawang oras na pag lalakad at sa panahon na maulan, dumating ang mga grupo ng mga Aeta para tumangap ng mga gamit pag eskwela. Pagkatapos ng mga palaro at ang pag bigay ng mga gamit pang eskwela, sila at binigyan ng konting meryenda at tahimik na kumain. Meron isang lugar na ginawang photo booth para kunan ang mga bata (pati na rin yung ibang matatanda) para meron sila mauiwing ala-ala para sa okasyon na ito, gamit ang dalawang Selphy printers, tuwang-tuwa ang mga bata ng makita nila ang mga larawan nila at pinagmamalaki sa mga magulang ang dalang larawan. Nag salo-salo ang mga volunteers sa isang lugar at kumain ang pananghalian at pagkatapos at tumungo na sa Capas junction at doon nagka hiwa-hiwalay at kami ay sumakay ng bus pabalik sa Manila.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Masarap at gumagaan ang pakiramdam pag tayo ay nakaka bigay ng saya sa ibang taong di kayang tugunan ang mga pangangailangan sa araw-araw na buhay o sa pag aaral. Dahil dito handa kaming tumulong sa kahit sino man ang mangangailangan ng tulong naming para lang maihatid ang mga gamit, pagkain, tulong sa iba’t-ibang lugar na nangangailangan ng tulong.

Sa mga grupo tulad ng:
Project Pearls
Photokalye
Black Pencil Project
Tarlac Mountaineering Club
Photography Club of Tarlac
Climb Against Cancer

Marming-maraming salamat sa inyo, at ipag patuloy natin ang pag tulong sa mga kapatid natin kahit sino man sila maging Aeta, Igorot, Mangyan at ano pang iba’t-ibang tribo pa yan, dahil lahat tayo ay Pilipino!

Mabuhay po kayong lahat

All photos are owned and copyrighted by Joey Rico (also known under these names: alien_scream).
All Rights Reserved. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of the digital photos, without his explicit permission, is punishable by law

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.

Advertisements
Comments
  1. mai largo says:

    it’s such an inspirational article… i remembered how my boss (british) open my mind and heart to reach out to the needy people..ang unang pumasok sa isip ko is kung british ba talaga siya oh filipino? although his wife is filipina,napaka laki ng puso niya para sa mga kapos palad,.aaminin ko, hindi ako ganun ka in touch sa pagkakawanggawa.napahiya ako sa sarili ko na ang isang dayuhang tulad niya ay nagbibigay at handa laging tumulong sa mga kapos palad at mga bata sa lansangan.he and his wife always have time to go around metro manila to give foods,drinks.hindi nila iniinda ang init sa lansangan o bagyo man ang dumaan. hindi man nila ako deretsahang sinabihan na dapat tayong tumulong sa kapwa,ipinaramdam at binuksan nila ang aking pusot isipan na lahat tayo ay my magagawa maliit man o malaki sa sarili nating paraan.lpease check our link for their story.. thank you… 😉
    http://businessonline.ph/projects/angbatangpinoy-com/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s